59-anyos na lalaki, binoga sa mukha, dedbol
CAMARINES NORTE — Dedbol ang 59-anyos na lalaki nang barilin sa mukha ng dalawang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Dumagmang, Labo.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Leopoldo Barena, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, pinuntahan umano ng dalawang suspek si Barena sa bahay nito at habang kinakausap ay bigla itong binaril sa mukha ng isa sa dalawang salarin.
Matapos tiyaking patay na si Barena ay mabilis na tumakas ang mga suspek. Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Barena.





Comments