Westbrook at Harden nanguna sa Rockets
- MC
- Dec 18, 2019
- 1 min read

Umiskor si Russell Westbrook ng 25 sa kanyang 31 puntos sa first half habang si James Harden ay tumapos na may 28 puntos nang manalo ang Houston Rockets, 109-107 kontra bisitang San Antonio Spurs kahapon.
Trumangko ang Houston ng 25 sa 2nd quarter at 19 sa halftime sa bisa ng tikas nina Harden at Westbrook at pamunuan na ang kalamangan ng tropa sa 101-97 kasunod ng isa pang dunk ni Harden sa natitirang 4:46 minuto ng laro.
Ang tres puntos pa ni P.J. Tucker para sa natitirang 2:34 minuto ang nagbigay sa Rockets ng 107-104 na pananaig. Pahirapan pa sa opensa ang bawat team nang mag-laup si Rudy Gay sa nalalabing 46.3 segundo at makadikit pa ang Spurs sa 107-106.
Hawak na ni Harden ang iskor na 19 matapos ang halftime nang kumana ito ng dalawang fre throws sa nalalabing 16.2 segundo upang iangat ang bentahe ng Houston sa 3 puntos.
Nagtala ng 3 puntos si Bryn Forbes para sa Spurs pero sumablay ito at napunta kay Clint Capela ang rebound, na nagbigay sa San Antonio ng 6.3 segundo na tsansa.
Sa iba pang laro, umiskor si Pascal Siakam ng 33 points nang talunin ng Toronto Raptors ang bisitang Cleveland Cavaliers, 133-113.
Dumagdag si Norman Powell ng 26 points para sa Raptors sa unang paghaharap ngayong season. Si Kyle Lowry ay may 20 points at 11 assists para sa Raptors, na nagwagi ng dalawang beses.
Umiskor din si Serge Ibaka ng 14 points at may 12 points si OG Anunoby contributed at nine rebounds para sa Toronto.





Comments