Takbo sa Kalikasan ng Green Media sa 2020
- A. Servinio
- Dec 18, 2019
- 1 min read

Photo: Takbo Para sa Kalikasan
Tiyak na magbabalik para sa ikatlong taon sa 2020 ang seryeng “Takbo Para Sa Kalikasan” ng Green Media Events. Gaya ng dati apat na hiwalay na karera ang gaganapin simula sa “Fire Run” sa Mayo 31.
Susundan ito agad ng “Water Run” sa Hulyo 19, “Air Run” sa Setyembre 20 at ang pangwakas na “Earth Run” sa Nobyembre 22. Siguradong mag-uunahan ang lahat na makuha ang apat na magkadugtong na medalya upang makabuo ng isang malaking medalya. Bago ang serye, puno ng aksyon ang kalendaryo ng Green Media sa marami pa nilang mga fun run. Sisimulan nila ang taon sa “Running Divas Manila” sa Pebrero 16 sa Cultural Center of the Philippines.
Ang nasabing fun run ay para lumikom ng pondo at matulungan ang Home For The Golden Gays sa Pasay City. Maaring pumili sa 21, 10, lima o tatlong kilometrong karera. Maaari nang magpalista sa mga sangay ng Garmin sa SM Malls, Glorietta 5 at May online registration din sa www.greenmedia events. com.
Pagkatapos ng Running Divas ay ang mainit na “Sili Run” sa Abril 26. Ang nasabing patakbo ay para sa mga napiling kawanggawa sa Bikol. Nariyan din ang “Tara Run N APO” sa Hunyo 28. Ilalabas agad ang mga detalye ng lahat ng mga parating na fun run oras na makumpleto ito.





Comments