top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Seaman na susuwertehin pa ring makapag-abroad kahit masyonda na

Maestro Honorio Ong
Dec 18, 2019
2 min read

Maestro Honorio Ong

KATANUNGAN

  1. Dalawang beses na akong nakapag-abroad bilang seaman, kaya lang, naubos ang lahat ng naipon ko, pero naipagawa ko naman ‘yung bahay namin na sira-sira at tumutulo ang bubungan kapag umuulan.

  2. Nag-a-apply ako sa ibang agency at shipping company, pero parang nawawalan na ako ng pag-asa na matatawagan pa ako. Nagkakaedad na rin kasi ako at baka ayaw na nila ng may edad na tulad ko.

  3. Ano ang nakikita ninyo sa aking mga pa-lad? Makapag-a-abroad pa ba ako at muli kayang aasenso ang aming ka-buhayan?

KASAGUTAN

1. Tatlo ang namataang malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a. b. at c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na tulad ng nangyari na at mangyayari pa, tatlong beses at maaaring mahigit pa ang pangingibang-bansang itatala sa buhay mo at sa lahat ng kaganapang nabanggit.

Pansinin na ang ikatlong guhit ng paglalakbay (arrow c.) ang pinakamahaba at pinakamaganda, lalo na kung ikukumpara sa dalawang nauna (arrow a. at b.).

2. Sa madaling salita, basta ‘wag kang mawawalan ng pag-asa at lakasan mo lang palagi ang iyong loob, kahit 43-anyos ka na, posible na muli kang makapag-abroad at makasasampang muli sa barko bilang seaman.

3. Ang pag-aanalisang susuwertehin ka sa panahong ito ng iyong buhay ay madaling kinumpirma ng destiny number mong 8 kung saan sa edad na sumang 7 (ang 43 ay 4+3=7), sinusuwerte silang may destiny number na 8 tulad mo.

4. Dagdag pa rito, pansinin mo rin ang unang bahagi hanggang sa bandang gitna ng iyong signature ay medyo pangit, ngunit mula sa gitna hanggang sa dulong bahagi ay sadyang gumanda at lalo pang gumanda ang iyong lagda. Ibig sabihin, sa middle age mo, bago tumuntong ng edad 50, mula ngayon, patungo ka sa masagana at maunlad na karanasan. DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Darwin, ang mahalaga ay huwag kang mawalan ng pag-asa. Tunay ngang lakasan mo lang ang iyong loob, habang tuluy-tuloy lang sa pag-a-apply, sigurado ang magaganap, sa 2020 sa buwan ng Enero hanggang Pebrero, sa edad mong 43 pataas, may ikatlo at mabungang pagsi-seaman ang itatala sa iyong karanasan

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page