P54 milyong halaga ng mga puslit na asukal, huli

Photo: pna.gov.ph/Bureau of Customs
Nakumpiska ng Bureau of Customs-Port of Manila (BOC-POM) ang 48 container vans na may P54 milyong halaga ng mga puslit na asukal.
Ito ay kaugnay sa paglabag sa Section 1400 in relation to Section 117 of the Customs Modernization and Tariff Act and the Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 ayon sa BOC.
Dumating ang naturang kontrabando sa Manila Port Area noong Agosto at Setyembre mula sa China na may iba’t ibang petsa kung saan idineklarang hardware fittings
Idineklara ang mga kargamento bilang mga steel, tek screws, clamps, pako at iba pa. Dagdag pa ng ahensiya, maituturing aniya na isang economic sabotage ang krimen ng large-scale agricultural smuggling.





Comments