National Children’s Hospital nasunog
- BRT
- Dec 18, 2019
- 1 min read

Idineklara nang fireout ang 3rd alarm na sunog na naganap sa National Children’s Hospital sa Quezon City na nagsimula kahapon ng alas-10:28 ng umaga.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa 7th floor ng gusali na agad ding naapula alas-10:53 ng umaga.
Kaugnay nito, nasa 190 pasyente ang kinailangang ilikas sa isang bahagi ng ospital habang meron din sa katapat na fastfood chain at sa iba pang gusali.
Samantala, ang ilang pasyenteng naka-intubate pa o nakakabit sa respirator ay manu-manong tinulungan para makahinga habang lumilikas.
Sa panayam kay SSupt. Jaime Ramirez, nasa P200,000 ang halaga ng pinsala sa sunog.
Iniimbestigahan pa kung ano ang pinagmulan ng insidente.





Comments