top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kontrabidang aktres, palaban na rin! Cherie, game na game na nakipagtikiman kay Angel

  • Erlinda Rapadas
  • Dec 18, 2019
  • 1 min read

Para sa magaling na aktres na si Ms. Che­rie Gil, wala na siyang mahihiling sa Kapaskuhan kundi ang makapiling ang kanyang mga anak.

Sa New York, U.S.A. nakabase ang mga anak niya at doon lahat nag-aaral. Dina­da­law-dalaw lang niya ang mga ito kapag wa­la siyang project na pinagkakaabalahan.

Excited na siyang makasama ang mga anak ngayong Pasko at Bagong Taon para makapag-celebrate sila with her mom (Rose­marie Gil) and dad (Eddie Mesa).

May natapos na indie movie si Cherie Gil kasama sina Cong. Alfred Vargas at Angel Aquino at suportado ng ilang maga­galing na artista. Ito ay ang Kaputol, na joint venture nina Cong. Alfred, Direk Mac Alejandre, Ricky Lee and Lav Diaz.

Speaking of Kaputol, dual ang role rito nina Cherie at Cong. Alfred. Ang unang cha­­racter ni Cherie ay isang istriktong movie director na si Aki at ang ikalawa ay bilang si Trina, ang aktibistang ate ni Al­fred (Robert), na scriptwriter naman at isang pilay na nangangalakal.

Nagpaka-daring dito si Cherie na isang lesbian director. May love scenes sila ni Angel Aquino.

Iikot ang kuwento ng Kaputol sa pag­hahanap ni Robert sa nawawala niyang anak na si Ronald, kung saan dinukot ng mga sundalo during the Martial Law days. Isang aktibistang estudyante dito si Ronald.

Magkakaroon ng special screening ang Kaputol sa ilang selected theaters pero baka early next year na maipalabas sa mga commercial theaters.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page