top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg

Jeep nadamay.. 2 trak nagsalpukan, 9 patay

  • Levi Gonzales
  • Dec 18, 2019
  • 1 min read

Photo: Dominador Erese/Gerald Palivino Baliber

Siyam ang nasawi nang magsalpukan ang isang pampasaherong jeep at dalawang trak sa Cardona, Rizal, kahapon ng umaga.

Pasado alas-11:00 ng umaga nang matapos ang retrieval operation kung saan nakuha na rin ang bangkay ng driver ng dump truck na nahulog sa bangin malapit sa isang bahay sa Bgy. Looc.

Base sa inisyal na imbestigasyon, unang nagkasalpukan ang 22-wheeler dump truck na may kargang buhangin at isa pang dump truck.

Ang isang dump truck ay nahulog sa bangin habang ang isa ay bumangga naman sa paparating na pampasaherong jeep.

Umangat ang bubong ng jeep na halos mahati na rin sa dalawa. Nagkalat din ang mga debris mula sa mga truck.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nasawi kabilang ang dalawang estudyante.

Samantala, lima naman ang nasugatan sa insidente na dinala sa ospital.

Napag-alaman na kabilang sa mga nasawi ang driver ng ikalawang truck at ilang bystander na bumibili ng pandesal at nagdya-jogging.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page