top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Drug den ni-raid, 5 tiklo

Maeng Santos
Dec 18, 2019
1 min read

Limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang tatlong bebot ang natimbog sa buy-bust operation na nagresulta sa pagkakalansag ng sinasabing drug den sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) P/Capt. Ramon Aquiatan, Jr. ang mga naarestong suspek na sina Katherine Sunga, 28; Kazuyoshi Tanaka, 19; Rosemarie Carpio, 39; Salvacion Balaor, 51, at Sonny Roberto, 29, pawang nasa drugs watch list.

Alas-10:30 ng umaga nang ikasa ng mga operatiba ng NPD-DDEU sa pangunguna ni P/Capt. Aquiatan sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Giovanni Hycenth Caliao ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Bgy. 120, Zone 10, Caloocan.

Matapos iabot ng isa sa mga suspek ang sachet ng shabu sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P15,000 buy-bust money kabilang ang P1,000 tunay na pera ay agad itong dinamba ng mga operatiba.

Naaktuhan naman sa loob ng bahay na sinasabing ginagawang drug den ang iba pang mga suspek na nagsa-shabu.

Samantala, ani DDEU Iinvestigator PCpl Jezell delos Santos, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang sa 25 gramo ng shabu na may drug price na nasa P170,000, buy-bust money, P860 bill at drug paraphernalias.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page