top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

‘Pag lumaban.. Mga terorista, patayin — P-Du30

Mylene Alfonso
Dec 18, 2019
1 min read

Sa gitna ng isinusulong na maibalik ang usapang pangkapayapaan, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na durugin ang mga terorista kabilang na ang New People’s Army sakaling lumaban. “Isa pang kalaban natin na sumisira sa buhay natin ay itong mga terorista, kasama na ang NPA, kasali na ang mga kidnap-for-ransom, nandiyan sa Jolo ang Abu Sayyaf at lahat na. At ang utos ko sa kanila, at ‘pag sila’y lumaban, durugin para sila’y matapos na ang problema ng Pilipino,” ani P-Duterte. Nabatid na sa Disyember 26, nakatakdang idaos ang 51st founding anniversary ng CPP at NPA.

Kaugnay nito, muling iginiit ng Pangulo na inaako niya ang buong responsibiliad para sa lahat ng mga aksiyon na gagawin ng mga uniformed personnel para tuluyang puksain ang terorismo, insureksiyon at ilegal na droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page