Resibo ng gobyerno, pinepeke na rin.. “Recto university” bubuwagin na

Ihirit sa mga mambabatas na lumikha ng batas para maging capital offense ang pamemeke ng mga dokumento upang mapatawan ng capital punishment.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na tutuldukan na ang tinaguriang “Recto University” na bihasa sa pamemeke ng mga dokumento.
Dismayado ang alkalde dahil maging ang mga resibo na iniisyu ng gobyerno ay pinepeke na rin.
Aniya, marami ring dapat ipaliwanag maging ang mga barangay chairman at opisyal na nasa hurisdiksiyon ang lugar ng Recto University.
“Dati, P100 o P200 lang, pinagkibit-balikat. Ang sumunod pati gusto magdoktor, NBI clearance na. Akala n’yo bating panimula lang sobra na kasakiman n’yo sagad hanggang buto na pati resibo na ng gobyerno,” dagdag pa ng alkalde.





Comments