P200-billion civil case laban sa mga Marcos, ibinasura

Muling nakaiskor ang Pamilya Marcos at mga crony nito makaraang ibasura ng Sandiganbayan ang kasong sibil tungkol sa P200 bilyong halaga ng umano’y ill-gotten wealth.
Sa 58-pahinang desisyon ng Sandiganbayan 4th Division, na-dismiss ang forfeiture case dahil sa kabiguan ng prosekusyon na patunayan ang mga alegasyon sa mga Marcos.
Inihain ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang kaso laban sa mga anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na sina Senador Imee Marcos, Irene Marcos-Araneta at dating Senador Bongbong Marcos sa paniniwalang mababawi ng gobyerno ang P200 bilyon na umano’y nakaw na yaman.
Ang nasabing kaso ang panlima sa mga nadesisyunan ng Anti-Graft Court ngayong taon.
Apat sa mga kaso laban sa Pamilya Marcos at kanilang cronies ang naipanalo ng mga akusado at isa ang natalo.





Comments