top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Disyem­bre 17, 2019 (Martes)

Maestro Honorio Ong
Dec 17, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Disyem­bre 17, 2019 (Martes): Hindi lang isang bansa ang mararating mo at ang mga suwerte mo ay makahaharap mo nang personal sa mga malalayong lugar.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbalik ang mayamang imahinasyon mo at magagamit mo ito para lalo kang umasenso. Iwasan mo itong magamit sa kung anu-anong bagay na walang kinalaman sa pagpapaunlad ng buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-24-30-34-36

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong dayain ang iyong sarili kaya pakinggan mo ang lumang payo na huwag bilangin ang sisiw hangga’t hindi pa lumalabas ang itlog. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-24-30-38-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali at mainip, sa halip, hintayin mong mahinog ang bunga bago mo pitasin. Ang mga nagmamadali ay kadalasang nanghihinayang at madalas na nagsisisi sa huli. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-14-20-26-30-34.

CANCER (June 21-July 22) - Kunin mo ang para sa iyo. Ipaglaban mo ang sa iyo. Huwag mong hayaan na ang mga walang karapatan na makialam sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-18-26-31-3244.

LEO (July 23Aug. 22) - Muli, maging mapagparaya ka, lalo na kung ang pinag-uusapan ay maliliit na bagay lang. Ito ay dahil ikaw ay itinalaga para sa malalaki at mga dakilang bagay sa mundo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-15-18-25-26-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magbigay ka at tatanggap ka, pero ang nakakatuwa ay ang iyong matatanggap ay maraming biyaya mula sa langit na mapagpala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-20-36-4345.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kunin mo ang ibinibigay sa iyo. Saka ka na magpasya kung aariin mo ito o ipamimigay sa kapwa mo. Sa ganito, mas magaganda ang mapasasaiyo at makapipili ka pa ng gusto mo. Masuwerteng kulaypurple. Tips sa lotto-11-17-2125-34-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pagbigyan mo ang humihingi ng karagdagan. Ang tumatawad naman ay iyo ring pagbigyan dahil ngayon ang panahon ng pagbibigayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-19-28-30-32-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit hirap ka rin, wala kang magagawa kundi pasayahin ang iyong kapwa. Nakamasid sa iyo ang mga mata ng langit, tatanggap ka ng mga biyayang aaliw sa iyong kalooban. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-16-17-24-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na nagdaratingan ang mga suwerte mo. Hindi mo mapapansin na puno na pala ang harapan mo ng naggagandahang mga bagay. Ito ay mga regalo sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulayblue. Tips sa lotto-6-17-26-3033-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page