top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dagdag-sahod sa gobyerno, now na! — P-Digong

  • Mylene Alfonson
  • Dec 17, 2019
  • 1 min read

Sinertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala na layuning taasan ang sahod ng mga civilian government workers

Batay sa liham ng pangulo kay Senate President Vicente Sotto III na may petsang December 13, hiniling ni P-Duterte ang agarang pagpasa ng Senate Bill 1219 o “An Act modifying the salary schedule for civilian government personnel and authorizing the grant of aditional benefits, and for the purposes”.

Nakasaad sa liham ng Punong Ehekutibo na kailangan ang salary hike upang tugunan ang pangangailangan para lalong mapalakas ang serbisyo-publiko.

Layunin din nito na mabigyan sila ng makatarungan at patas na kabayaran na tumutugon sa kanilang mga pangangailangan.

Nabatid na hindi na kailangan ang 3-day period sa pagitan ng second at third readings bago ito tuluyang maipasa kapag sinertipikahang urgent ang isang panukala.

Sa ilalim pa ng panukala, planong taasan ang suweldo ng mga empleyado ng gobyerno sa apat na tranches simula Enero sa susunod na taon.

Sa kabuuang implementasyon naman nito, tataas ang sahod ng nasabing mga manggagawa ng may average na 23.24 percent sa taong 2023.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page