3 dedo sa karambola

Tatlo katao ang nasawi sa karambola ng mga sasakyan sa national highway ng Bocaue, Bulacan, kahapon.
Ayon sa paunang impormasyon mula kay Col. Rizalino Andaya, lulan ang mga nasawing biktima sa isang motorsiklo at isang traysikel na bumabagtas ng MacArthur Highway sa Bgy. Binang, pasado alas-12:00 ng tanghali.
Gayunman, nasalubong umano ng mga ito ang pick-up truck na sinasabing nawalan ng preno at sumalpok sa motorsiklo at traysikel.
Dead-on-the-spot ang tatlong biktima habang sugatan ang drayber ng pick-up na ngayon ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide.





Comments