Smokin’ Saturday grand sprint champ

Nagwagi ang Union Bell sa katatapos na 20th Philtobo Grand Championship at nanguna sa katatapos na 2019 Philracom Grand Sprint Championship na ginanap sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas kahapon.
Unang naglaban ang mga baguhang kabayo sa pangunguna ni Union Bell, Exponential, Boy George, Sarangani island sa 2019 Philtobo Juvenile Championship.
Hindi na pinaporma ang mga kalaban ng pangunahan ng Union Bell at tinapos ang laban ng walang kahirap-hirap at makakalaban sa pumangalawang si Exponential.
Tumanggap ng premyong aabot sa P1.8-M makaraang tanghaling kampeon at tumanggap ng P675,000.00 ang Exponential na sumegunda.
Nagwagi na banderang tapos ang Smokin’ Saturday makaraang biguin ang mga kalaban na Son Also Rises, Lakan at Pinagtipunan sa 2019 Philracom Grand Sprint Championship.
Sa simula pa lang ng karera pinangunahan agad ng Smokin’ Saturday kasunod ang Son Also Rises, Lakan at Pinagtipunan.
Nabigo ang lahat na humabol kay Smokin’ Saturday ang Son Also Rises, Lakan at Pinagtipunan ng tapusin ang distansiyang 1,200 meters.
Tinanggap ang unang premyo na P600,000.00 ng Smokin’ Saturday at tinanggap ni Son Also Rises ang P225,000.00 na 2nd places at 3rd place habang ang Lakan ay P125,000.00.
Ang P50,000.00 ay mapupunta sa 4th place na Pinagtipunan.





Comments