top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

P150-m utang ng 3 unibersidad sa gobyerno, bayad na

Mylene Alfonso
Dec 16, 2019
1 min read

Nagbayad ng may P150 milyong pagkakautang sa buwis ang tatlong kilalang unibersidad sa Maynila matapos i-avail ang ipinagkaloob na tax amnesty ng lokal na pamahalaan.

Kabilang sa tatlong kilalang unibersidad ang University of the East (UE), MAPUA at Far Eastern University (FEU).

Ayon kay City Treasurer Jasmin Talegon, unang kinuwestiyon umano sa korte ng mga nabanggit na unibersidad ang halaga ng buwis na ipinataw sa kanila.

Ayon kay Talegon na base sa records, nagbayad ang UE ng P100 milyon; MAPUA, P31 milyon at FEU, P22 milyon na umabot sa kabuuang P153 milyon.

Una nang hinimok ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang lahat ng may pagkakautang sa buwis na samantalahin ang amnestiya na kanyang iniaalok upang mabayaran ang kanilang pagkakautang sa buwis.

Dahil dito, pinasalamatan ang tatlong unibersidad sa pagtulong sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page