P-Digong, bad influence sa mga korup na opisyal
PASABOG NI VP LENI, MALA-ATOMIC BOMB O SUPOT? — Ngayong araw (Lunes) na ilalantad ni VP Leni Robredo ang kanyang promise na “pasabog” sa natuklasan niya noong co-chairman pa siya ng ICAD (Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs) tungkol sa “war on drugs” ni P-Duterte.
Iyan ngayon ang inaabangan ng publiko, kung ang pasabog ni VP Leni ay mala-atomic bomb o kuwitis na supot. Abangan!
◘◘◘
PAGTANGGI NI P-DUTERTE NA ISAPUBLIKO ANG KANYANG SALN, BAKA GAYAHIN NG MGA CORRUPT ?— Kung walang itinatago ay dapat ilantad ni P-Duterte sa publiko ang nilalaman ng kanyang 2018 SALN (Statement of Assets, Liabilities and Net Worth).
Hindi dapat magturuan ang Ombudsman at Malacañang sa isyung ito, kasi karapatan ng mamamayan na malaman ang nilalaman ng SALN ni P-Duterte.
Masamang pangitain ang pagtanggi ni P-Duterte na isapubliko ang kanyang SALN, kasi baka pati ang mga corrupt na taong-gobyerno ay gayahin ang kanyang ginagawa na itago sa publiko ang kanilang mga SALN, boom!
◘◘◘
MGA GAHAMAN SA ‘PORK’ KAYA GUSTO, TERM EXTENSION — Ang mga kongresistang kasapi ng supermajority ay “busog na busog” ngayon sa pork barrel.
At maaaring ang sobrang pagkagahaman sa “pork” ang dahilan kaya nagsagawa ang mga kongresista ng “closed-door session” para ipasa ang resolusyong pagpapalawig sa kanilang termino o term extension, mga buset!
◘◘◘
PNP, PABANDYING-BANDYING LANG KAPAG HINDI HOLIDAY SEASON? — Isinailalim na ni PNP-OIC Lt. Gen. Archie Gamboa sa full alert status ang lahat ng kapulisan para raw ngayong Holiday Season ay maproteksiyunan ang mga mamamayan laban sa masasamang elemento ng lipunan.
Sana ay araw-araw, kahit hindi panahon ng kapaskuhan ay full alert ang PNP sa pagbibigay-proteksiyon sa mga mamamayan.
Sa tema ng sinabi ni Gen. Gamboa ay para na rin niyang sinabi na kapag hindi Holiday Season, ang mga parak ay pabandying-bandying lang, boom!





Comments