Mga sindikato sa Kyusi, binangga… Cong. Alfred, 3 beses binantaang papatayin

Isa sa mga labis na nalungkot sa pagpanaw ng broadcast journalist-direktor na si Cesar Apolinario ay si Congressman Alfred Vargas.
Nakatrabaho niya raw kasi si Direk Cesar sa pelikulang Banal bilang direktor kaya hindi inaasahan ni Cong. Alfred na sa murang edad nito, 46 to be exact, ay lilisanin na ang mundo ng telebisyon at pelikula.
Nakita ni Cong. Vargas ang kakaibang sipag at dedikasyon ni Cesar sa kanyang trabaho. Wala itong tinatanggihang assignment sa GMA News Department. Marami itong makabuluhang documentaries na nagawa at ilang maseselang coverage rin ang napagdaanan ni Cesar.
Samantala, nakatanggap ng parangal at malaking achievement si Congressman Alfred Vargas nang tanghalin siyang The Outstanding Young Men 2019 (TOYM Public Service awardee).
Kinilala ng TOYM si Cong. Alfred dahil sa kanyang effort na makapagbigay ng affordable house and lot sa ilang communities sa Quezon City lalo na ‘yung mga nabibilang sa informal settlers.
Maraming pagsubok ang pinagdaanan ni Cong. Alfred at tatlong death threats ang kanyang natanggap mula sa mga sindikato na ayaw sa kanyang mga bagay na ipinaglalaban para sa kapakanan ng mga maralita sa Kyusi.
Si Cong. Alfred din ang advocate ng National Integrated Cancer Control (NICC). Namatay sa cancer ang kanyang ina kaya gusto niyang tulungan ang mga cancer patients ng Kyusi.





Comments