Makatatapos ng pag-aaral at papasa sa board exam kahit puro utang ang pamilya
Maestro Honorio Ong

Katanungan
Biglang nawalan ng trabaho ang tatay ko kaya hirap na hirap kami sa buhay at palaging walang pera ang nanay ko, gayundin, nag-aaral ako bilang 3rd year college sa kursong Nursing. Ang problema, kung hindi makahahanap ulit ng trabaho ang tatay ko ay titigil ako sa pag-aaral.
Itatanong ko lang kung ano ang nakaguhit sa aking palad, may pag-asa pa kaya akong makatapos ng pag-aaral kahit kinakapos na talaga kami at puro utang na lang ang ipinanggagastos namin?
Kasagutan
Wala ka namang dapat problemahin dahil kapansin-pansin na walang naging hadlang, sa halip, suwabeng-suwabeng nagpatuloy at sumikad paitaas sa tinatahak niyang direksiyon ang Fate Line na tinatawag ding Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad hanggang sa tuluyang nakasampa sa kanyang tinatahak na destinasyon ang Mount of Saturn na tinatawag ding Bundok ng Katuparan (arrow b.). At kasabay nito, kapansin-pansin din ang pagsabay at ganap na pakikiisa ng Guhit ng Tulong ng Lalaki (Drawing A. at B. K-K arrow c.) sa Fate Line (arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Ito ay malinaw na indikasyon na kung nawalan man ng trabaho ang tatay mo ngayon at kung sakaling dumating ang pinakamalubhang senaryo na hindi na siya ulit makapagtatrabaho, siguradong hindi ka pa rin mahihinto sa pag-aaral dahil tulad ng naipaliwanag na, may mga tulong na darating sa inyong pamilya, partikular sa iyo para matapos mo ang iyong kurso.
Ang pag-aanalisang sa tulong ng malalapit na kamag-anak (maaaring tiyuhin o kapatid ng tatay o nanay mo), na makatatapos ka ng pag-aaral ay madali namang kinumpirma ng birth date mong 7 at destiny number mong 2. Ibig sabihin, habang ikaw ay nabubuhay, hindi mo inaasahan at sinasadya, sa tulong ng mga tao, sa suporta ng mga kaibigan, kapatid, kamag-anak, kadugo o sinuman, ito ang magiging daan at paraan ng tadhana upang mas madali mong maabot ang iyong mga pangarap, partikular ang makatapos ng pag-aaral.
Dapat Gawin
Habang, ayon sa iyong mga datos, Ms. Pisces, nakatakda nang makatatapos ka ng pag-aaral at walang makahahadlang sa kapalarang ito kahit mawalan pa ng trabaho ang tatay mo at kahit maghirap pa kayo sapagkat kailanman ay hindi nabubura ang kapalarang isinulat sa palad, tulad ng nasabi na, tuluy-tuloy kang makapag-aaral hanggang sa makatapos ng Board exam (Drawing A. at B. e-e arrow e.).




Comments