LGU, DSWD at foundation joint forces.. Pabahay para sa mga magsasaka

Mahigit 100 bahay ang ginagawa at inaasahang maipamimigay sa mga magsasaka sa unang quarter ng 2020.
Ayon kay Palayan City, Nueva Ecija Mayor Rianne Cuevas, nais nilang matulungan ang mga magsasaka na hirap dahil bagsak ang presyo ng palay.
Ang mga bahay na ipinamigay ay gawa sa semento, tabla at yero na may maayos na kusina, banyo at labahan.
Kaugnay nito, 35 magsasaka ang una nang nabigyan ng nasabing pabahay na ipinagawa ng Local Government Units (LGUs), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at isang foundation kung saan 30 sa mga ito ay personal namang kaloob ng pamilya ng alkalde.





Comments