Kagawad niratrat, utas
- Levi Gonzales
- Dec 16, 2019
- 1 min read

Patay ang isang barangay kagawad matapos barilin ng kanyang kalugar sa Purok 7, Bgy. Bolbok, Batangas City.
Alas-7:45 ng gabi, magkausap pa ang biktimang si Jorge Almarez, 45, at ang suspek na si Gilbert Acuña.
Nagtalo umano ang dalawa na humantong sa pagbunot ng baril ng suspek. Agad nitong pinagbabaril sa katawan ang biktima bago tumakas. Naisugod pa ito sa pagamutan subalit, binawian din ng buhay. Patuloy ang manhunt operation sa salarin habang inaalam pa ang motibo sa krimen.





Comments