top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Ginagabi sa trabaho.. Misis binaril sa ulo, patay

  • V. Reyes
  • Dec 16, 2019
  • 1 min read

Hawak na ng mga awtoridad ang 27-anyos na lalaki na hinihinalang pumatay sa kanyang live-in partner sa Sitio Mahayahay, Bgy. San Vicente, Liloan, Cebu.

Gayunman, tumangging magsalita ang suspek na si Eldie Orquiza tungkol sa detalye ng pagkakapaslang sa biktimang si Bianca Paige Bayang, 25.

Ayon kay Police Master Sergeant Jason Gayo, patuloy pa nilang sinisiyasat ang suspek na batay sa resulta ng paunang pagtatanong ay sinasabing nagselos si Orquiza.

Una rito, narinig ng kanilang mga kapitbahay ang dalawa na nag-aaway bandang ala-1:00 ng madaling-araw o apat na oras bago natagpuan ang bangkay ng babae na ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay.

Maliban sa pagtatalo nina Orquiza at Bayang, narinig din ng mga residente sa lugar ang isang putok ng baril ngunit, hindi nila direktang matukoy ang pinanggalingan nito.

Nakitang may tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima na pinaniniwalaang naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang insidente, hindi na matagpuan si Orquiza na isinuko na lamang ng kanyang mga magulang.

Ani Gayo na inaakusahan ni Orquiza si Bayang na nagtataksil sa kanya kaya palaging ginagabi ng pag-uwi ang biktima mula sa pinagtatrabahuhan nitong appliance store sa bayan ng Consolacion.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page