top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dagdag-bawas sa presyo ng gas

  • Gina Pleñago
  • Dec 16, 2019
  • 1 min read

Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, bukas.

Sa maagang abiso ng Pilipinas Shell, epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga ang 60 sentimos na taas-presyo sa kada litro ng kerosene at 40 sentimos naman sa diesel habang walang paggalaw sa presyo ng gasolina nito.

Ang bagong dagdag-presyo sa petrolyo ay kaugnay sa paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 50-60 sentimos ang presyo ng kerosene, 30-40 sentimos sa diesel, samantalang, walang paggalaw o marahil bumaba pa ng 10 sentimos ang presyo ng gasolina.

Disyembre 10, huling nagbaba ng presyo ang Pilipinas Shell ng 40 sentimos sa kanyang gasolina at kerosene habang walang paggalaw sa presyo ng diesel nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page