Bulls, sinuwag ang Clippers: Bucks, naka-18th straight na
- A. Servinio / MC
- Dec 16, 2019
- 2 min read

Isang go-ahead layup shot ang dinale ni Zach LaVine sa natitirang 2.0 segundo kasunod ng free throw upang makumpleto ang 3-point play at pagwagian ng Chicago Bulls ang 109-106 game kontra sa bisitang Los Angeles Clippers kahapon.
Tumapos si LaVine ng 31 points habang si Thaddeus Young ay may 17 points, may 16 si Denzel Valentine, 13 puntos at 27 rebounds naman si Lauri Markkanen para sa Bulls.
Nasayang ang iskor ni Montrezl Harrell ng 30 points para sa Clippers, na napigilan ng Bulls ang kanilang four-game winning streak. Dumagdag si Paul George ng 27 points sa natitirang 31 minuto pero sumablay sa buzzer kaya napuwersa ang overtime game.
Naglaro ang Los Angeles nang wala si Kawhi Leonard dahil namamaga ang kaliwang tuhod, gayundin si Lou Williams na masakit ang braso, Patrick Beverley at JaMychal Green na pawang iniinda ang injuries. Nagbalik laro si Landry Shamet mula sa dinanas na ankle injury sa unang pagkakataon mula noong Nob. 11 at umiskor ng 11 points.
Samantala, ipinagpatuloy naman ng Milwaukee Bucks ang kanilang franchise-best start at nakadalawang panalo na kung saan tinapatan ang kanilang all-time longest winning streak kahapon nang talunin ang bisitang Cleveland Cavaliers, 125-108.
Nanalasa muna ang Milwaukee sa laban sa Cleveland. May 18 puntos ang lamang ng Bucks sa halftime at pinahaba pa ang kalamangan hanggang 28 puntos sa 3rd quarter at idiretso ang laro sa ika-18th straight win. Ito ang 24-3 win-loss start ng Bucks na itinala sa 52-year history ng NBA.
Upang mapantayan ang 20-game winning streak nina Oscar Robertson at Kareem Abdul-Jabbar noong 1970-71 Bucks, kinakailangan ng 2019-20 squad na talunin ang dalawa sa pinakamainit na koponan sa Western Conference, ang Dallas Mavericks at ang Los Angeles Lakers sa susunod na linggo.





Comments