top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Basilan at Biñan, pinahirapan muna bago nanalo sa Lakan Cup

MC / VA
Dec 16, 2019
2 min read

Hindi nawawala ang ka-astigan ng Basilan Steel nang talunin ang Sarangani Province, 85-82 sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season noong Sabado ng gabi (Dis. 14) sa Sta. Rosa Sports Stadium sa Laguna.

Sa dikit na iskor ng Marlins, 82-83, kinakailangan ng Steel ang 24 na segundong buzzer-beater jumper na pinakawalan ni veteran Dennis Daa sa bisa ng apat na tigatik na natitira sa orasan upang kunin ang ika-6 na diretsong panalo para umangat sa solong ika-4 na puwesto sa South division ng 31-team league na suportado ngayon ng Chooks-to-Go.

Nagawa pa ng Marlins na humatak ng overtime play pero ang pagsisikap sana ni Jorem Morada para sa team ng Marlins ay kinapos dahil inunahan agad ng buzzer.

Ang Basilan ay may 15 puntos at 8 rebounds mula kay Cris Dumapig, 15 points at 9 rebounds mula kay Daa at 14 points dagdag pa ang 5 assists at 6 steals mula kay Irven Palencia, na umangat ang record sa 15-8, trumangko sa Davao Occidental (19-3), Bacoor (18-5) at General Santos (15-7) sa 15-team South.

Lamang pa sana ang Marlins sa 67-64 sa jumper na gawa ni Orin Catacutan, lagpak sa 22-1.

Nakagawa si Catacutan ng 23 points at 6 rebound habang si veteran Pari Llagas ay may 17 points at 8 rebounds.

Dinale naman ng Biñan City Luxxe White Krah ang Imus Bandera upang mamayani sa 88-83 sa huling laro ng gabi.

Nanalasa ang Biñan Heroes sa 45-27, pero nagawang dikitan ng Bandera sa 75-77 sa bisa ng back-to-back triples ni dating PBA MVP JayJay Helterbrand at actor Gerald Anderson.

Nagbagsak si Jed Mendoza ng tres habang si Mark Anthony Acosta ay may 5 puntos at ibigay sa Heroes ang ika-4 na straight win para sa 10-14 slate. Dumanas ang Bandera ng ika-6 diretsong pagkatalo at lagpak sa 5-20 win-loss slate.

Lalarga ngayong Lunes ang MPBL sa Imus City Sports Complex kung saan sasagupain ng Iloilo ang Rizal Province ng 4:15 p.m., magsasagupa ang Bacolod at Bicol ng 6:35 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page