Babala ng FDA.. Pampa-sexy at pampa-macho, delikado

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa ilang food supplements na pampaputi at pampalaki ng muscle.
Sa advisory ng FDA, mahaba umano ang listahan ng mga dietary supplement na hindi pinapayagang ibenta sa merkado.
Ayon pa sa FDA, dahil hindi rehistrado at hindi sumailalim sa evaluation process ang mga naturang produkto, may posibilidad na makasama ito sa kalusugan ng consumer.
Kaugnay nito, nagbabala rin ang FDA ng kaukulang kaso sa mga magbebenta ng mga produktong hindi rehistrado sa kanila.





Comments