top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pacman vs. Garcia, maghaharap sa 2020

A. Olivar / MC
Dec 15, 2019
1 min read

Magkakatotoo ba ang pangarap ni Mexican-American boxer Mikey Garcia na siya na ang mapipili para makalaban ni Manny Pacquiao sa 2020?

Naibunyag na kasi ng dating 4-division champion na may nangyayari nang pag-uusap sa pagitan niya at ng kampo ng fighting Senator kung kaya excited na raw siya para rito.

Posible na rin daw na maisaayos ang kontrata at maplantsa na ang lahat ng kailangan para sa kanilang big fight sa susunod na taon.

Pero marami pang mga bagay na dapat hintayin at medyo matatagalan pa ang pag-aabang ng boxing fans para rito dahil sa sobrang abala pa sa napakaraming trabaho ang Pinoy boxing champion.

Noong Marso pa huling nagkaroon ng laban si Garcia pero natalo kay IBF welterweight champion Errol Spence habang si Pacman ay nagwagi sa kanyang laban kontra Amerikanong si Keith Thurman noong Hulyo.

Abangan na lang natin kung sila ngang dalawa ang nakatakdang magsagupa sa 2020 dahil busy pa si Pacman sa kanyang trabaho bilang Senador.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page