Nag-post ng throwback photo nila… Hirit ng netizens: Jomari, ginamit pa ang gwapings mapagtakpan la
Nitz Miralles / Bida

Photo: @joyfullyenjoyingjoy (left)/ @jomariyllana (right)
Nag-post si Jomari Yllana ng old photos niya kasama ang dating mga kasama sa Gwapings na sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso. Sa kanyang caption, nagtanong si Jomari kung nasaan na ang dalawang katabi niya sa litrato.
May nag-comment ng “Ginamit mo pa ang Gwapings para pagtakpan ‘yang pagkaduwag mo g*ngg*ng!!!” na sinagot ni Jomari ng “Can you spell ampalaya? Siguro, panget ka. Gwapings nga ‘di ba?”
Nag-throwback din ang follower ni Jomari sa Instagram (IG) at inalala ang panahong bata pa ang aktor at sikat na sikat ang Gwapings, na lahat ng magasin at diyaryo na labas sila ay kanilang binibili.
Sa pelikulang Gwapings din nagkakilala sina Jomari at Abby Viduya na inamin ng aktor na first love niya at hindi niya malimutan. Si Abby din ang itinuro ng ina ng dalawang anak na lalaki ni Jomari na rason kung bakit sila iniwan ng actor-politician.
Samantala, mixed reactions ang nakuha ni Jomari sa pagpo-post ng photo nila ni Abby na may caption na: “Spa date with this one. Happy sweet Saturday, mga gwapings.”
May mga kinilig at may hindi rin natuwa sa ginawa ng aktor. Matapang daw ito at hindi itinatago si Abby. May mga hindi natuwa dahil bagong panganak daw si Joy Reyes at ang youngest nila ay four months pa lang. Pati kay Abby, nagalit ang mga netizens sa pagpayag na i-post ni Jomari ang photo nilang dalawa.
Inakusahan pa ang dalawa na feeling teen-ager, nasa showbiz at ipino-promote nila ang kanilang love team sa pagpapakilig. May nagpayo rin kina Jomari at Abby na okay lang ma-in love at ibalik ang kanilang nakaraan, ‘wag lang nilang kalimutan ang kani-kanyang mga anak at ang kanilang responsibilidad sa mga anak nila.





Comments