top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga kong, pailalim ang galawan, kapalmuks talaga!

Pabs Hernandez III
Dec 15, 2019
2 min read

PAGTUTURUAN SA SALN NI P-DUTERTE—Nagtungo ang mga taga-Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) sa Office of the Ombudsman para humingi ng kopya ng 2018 Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ni P-Duterte, pero walang naibigay si Ombudsman Samuel Martires kasi nasa Office of the President daw ito.

Pero nang magtungo sa Malacañang ang representante ng PCIJ, ang sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ay nasa Ombudsman na raw.

Naku, ano kayang meron, bakit nagtuturuan ang Malacañang at Ombudsman? Abangan!

◘◘◘

SALN NG MGA TAONG-GOBYERNO, DAPAT ISAPUBLIKO—Ang lahat ng mga gov’t. officials — regular o casual ay inoobliga ng batas (Article XI Section 17 ng Konstitusyon at Section 8 of Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) na taun-taon ay itala sa kani-kanyang SALN ang kayamanan ng mga ito at isumite sa Ombudsman.

Sa SALN malalaman kung gumagawa ng katiwalian ang mga taong-gobyerno, halimbawa, kapag nadagdagan ang kayamanan na nakatala sa SALN, puwede itong kuwestiyunin ng sinuman kung saan ito nagmula at kung hindi itinala sa SALN ang ari-arian ay deklarado itong “unexplained” o “hidden wealth”.

Kaya kung tunay na walang itinatago, dapat ilantad na ni P-Duterte sa publiko ang kanyang SALN, lalo na at bukambibig niyang galit siya sa mga korup, period!

◘◘◘

MGA CONG,. MGA KAPALMUKS —Kung pakapalan ng mukha ang pag-uusapan, wala nang tatalo sa mga kongresista.

Mantakin ninyong nagsagawa raw sila ng “closed-door session” para ipasa ang resolusyong term extension ng mga pulitiko sa bansa, mga buwisit!

◘◘◘

HIGH VALUE TARGET ANG UNANG I-‘TOKHANG’, HINDI MARALITANG ADIK AT TULAK—Ibinulgar ni PDEA Director AARON AQUINO na nasa 12,000 daw ang mga HVT o high value target na sangkot sa ilegal na droga at kabilang daw dito ang mga pulitiko, pulis, militar, celebrity at maging ang malalaking media personalities.

Kung ganu’n, ‘yan palang mga “HVT” sa droga ang dapat unang pinato-”tokhang” ni P-Duterte, hindi ang mga maralitang adik at tulak ng shabu, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page