Makati at Manila, nagwagi Bacolod, nakapagpag sa MPBL

Magkaibang ruta ng laban ang kinaharap ng Makati Super Crunch at Manila Stars sa kanilang naging bakbakang muli sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season sa Caloocan Sports Complex.
Bagamat wala ang ibang key players, nagawa pa rin ng Super Crunch na makahabol pa sa tikas ng Navotas Clutch at para sa 67-62 na final score.
Sa kabilang banda ang Stars, na may kalamangan nang 30 puntos, 69-39 ay patuloy namang pumalaot para sa 76-67 na panalo kontra Muntinlupa Cagers.
Sa kanilang panalo, Makati (20-4) at Manila (19-4) napanatili nila ang kanilang distansiya kontra San Juan (20-3) sa North division habang pinag-iibayo ang pakay na makarating sa top 4 finish sa elimination round na nagbigay sa kanila ng homecourt advantage sa playoffs.
Parehong ang Navotas (6-17) at Muntinlupa (5-18) ang wala na sa kontensiyon ng top eight na umabanse na sa playoffs.
Ang bagong bihis na Bacolod Master Sardines ay tinalo ang Quezon City Capitals, 68-63, sa opener ng three-game bill na muling umaksiyon kasunod ng dalawang linggong break ng MPBL Lakan Cup matapos ang SEA Games.
Sa pagparada nina Ben Nadamos, Ralph Tansingco at Yankie Haruna, dinomina ng Bacolod ang Quezon City upang umangat mula sa pagsadsad sa pitong laro at buhayin pa ang pag-asa para sa playoffs hawak ang 7-15 slate sa South division.
Tumapos ang 6-foot-7 na si Nadamos ng 10 points at 6 rebounds, nakapag-ambag si Tansingco ng 9 points at 5 rebounds, habang si Harima, dating NCAA slam dunk champion ng College of St. Benilde, ay may nagawang 14 points, 9 rebounds at 3 assists para makuha ang best player honors.
Sumadsad din ang Quezon City sa 9-15 sa kabila ng 20-point effort ni Clark Derige , kasunod ni Darren Caraguian na may 14 points, 7 rebounds, 3 assists at 2 steals. Sina Sans former pros Juneric Baloria at Simon Atkins, ang Makati sa ilalim ni coach Cholo Villanueva ay umasa sa tikas ni Cedric Ablaza sa 15 points at 8 rebounds, kay Jeckster Apinan na may 13 points at 10 rebounds at 11 points mula kay Joseph Manlangit.
Nakakuha ang Stars ng 14 points at 8 assists mula kay Chris Bitoon at 14 points na gawa ni Aris Dionisio. Habang isinusulat ito kagabi ay may laban ang MPBL sa Sta. Rosa Sports Complex, sa pagitan ng Sarangani at Basilan ng 6:30 p.m. at ang Imus at Binan City ng 9 p.m.





Comments