top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Makabagong bayaning dapat bigyang-parangal

  • Nancy Binay
  • Dec 15, 2019
  • 2 min read

Nancy Binay / Be Nice Tayo

Ngayong kapaskuhan, sana ay isama natin sa ating mga dasal ang mga kababayan nating nasalanta ng mga kalamidad ngayong taon.

Nawa’y patuloy pa rin tayo sa ating pagtulong sa kanila. Malayo ang mararating ng bawat sentimo at pawis na inyong tulong upang sila ay makabangon at makapagsimulang muli.

◘◘◘

Nitong nakalipas na linggo ay pinarangalan ng Senado si Roger Casugay at iba pang mga atletang Pinoy na nagbigay-karangalan sa ating bansa sa katatapos lamang na 30th Southeast Asian Games.

Isa tayo sa naghain ng resolusyon upang itampok ang kahanga-hangang ginawa ni G. Casugay habang nakikipaglaban sa 2019 SEAG.

Isa itong kongkretong halimbawa na dapat nating ipakita sa kabataan upang tularan nila.

Nawa’y magsilbi siyang inspirasyon sa ating mga kababayan na handang kalimutan ang sarili para sa ikabubuti ng marami.

◘◘◘

Isa ring inspirasyon ang ginawa ni Police Senior Master Sergeant Jason Janog Magno, na inialay ang sariling buhay upang sagipin ang mga mag-aaral sa Initao, Misamis Oriental.

Ginawang pananggalang ni M/Sgt. Magno, isang bomb disposal expert, ang kanyang katawan sa pagsabog ng granada sa isang paaralan sa nasabing bayan.

Nagawa pa niyang makipagbuno sa taong may hawak ng granada ngunit, natanggal na pala nito ang pin.

Hindi inalintana ni MSgt. Magno ang kanyang kaligtasan upang makasagip ng kapwa.

Siya ay isang Pinoy na handang magbuwis ng sariling buhay para sumagip ng buhay ng iba.

Nawa’y dumami pa ang tulad ninyo, Roger at MSgt. Magno!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page