Kung noon, BFF… Jose Manalo, mortal enemy na ni Bossing Vic

Maganda ang attitude ni Bossing Vic Sotto sa tuwing gumagawa ng pelikula para sa taunang MMFF. Hindi na niya iniisip ang pakikipagkompetisyon sa mga kalabang pelikula. Prayoridad lang niya ang patuloy na makapaghandog ng pelikulang maganda at makakapagdulot ng saya sa buong pamilya.
‘Yung makita lang na masaya ang mga batang manonood ng Mission Unstapabol: The Don Identity ay sapat na upang masulit ang pagod ng buong cast ng movie. At for a change, may mga bagong artista siyang makakasama rito tulad nina Pokwang at Jake Cuenca.
Tanging sina Jose Manalo, Wally Bayola at Ruby Rodriguez na lang ang naiwan sa mga dati niyang Dabarkads. Si Maine Mendoza na laging gumaganap na anak niya sa pelikula ay “for life” na ang kanilang kontrata. Basta may movie si Bossing Vic, tiyak na kasama si Maine.
May special role rin na gagampanan sa movie sina Max Collins, Clint Bondad, Lani Mercado, Tonton Gutierrez, Pekto, Sarah Lahbati at Dino Pastrano.
Kakaibang role rin ang gagampanan dito ni Jose Manalo dahil kontrabida siya at hindi na ang usual BFF at sidekick ni Bossing Vic.





Comments