Ang role na tinanggihan mo, Daniel… Movie nina Kathryn at Alden, second sa Avengers sa Google Top 1
- Beth Gelena
- Dec 15, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Ano kaya ang masasabi ni Daniel Padilla sa article na ito… “Hello, Love, Goodbye, Only Local Film to Land in Google PH’s Top 10 Trending Search for Movies.”
Ibinulgar ni DJ na tinanggihan niya ang HLG nang i-offer sa kanya ng Star Cinema. Ngayon, ang nasabing pelikula ay ang natatanging local movie na pasok sa Google Top 10 Search for Movies.
Pumangalawa ang Hello, Love Goodbye sa number one na Avengers Endgame. Number 3 ang Captain Marvel na sinundan ng John Wick 3, then Bird Box, Frozen 2, Alladin, Weathering With You, Aquaman at number 10 naman ang Alita Battle Angel.
Bumaha ng magagandang komento ang movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards at ilan sa mga ito ay:
“‘Yan ang totoong blockbuster. ‘Di lang pang-socmed. Congrats team HLG.”
“Very deserving naman kasi maganda ‘yung movie. Waiting for part 2. Joy and Ethan. More better love team than KathNiel.”
“Congrats! Eto ‘yung movie na napanood ko dito sa North America na talagang pinilahan. Unexpected kasi new tandem. Nagulat kami sa feedback ng mga viewers. And to think, hindi naman sila popular LT or a CGM-JLC movie na napapanood namin dito pero nag-click sa masa.”
Ang iba naman ay mukhang may galit kay Daniel. Komento ng mga netizens: “Iyak na Daniel... huhuhu, ako dapat ‘yan, eh!!!”
“Congrats Alden and also Kath. Daniel for sure is sourgraping.”
Pero aminin din ng mga fans ni Alden na kung hindi tinanggihan ni DJ ang movie, makakagawa ba ng magandang pelikula ang kanilang idolo?
In fact, dahil sa pag-ayaw ni DJ, nagkaroon ng blockbuster movie si Alden.





Comments