20th Philtobo at philracom grand sprint championship
- Ding Taboy
- Dec 15, 2019
- 2 min read

Mahigpit na magtutunggali ngayon ang mga mananakbo sa 2019 Philracom Grand Sprint Championship at 20th Philtobo Grand Championship sa Metro Manila, Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Sa umpisa ng karera sa Race 1, unang matutunghayan ang 20th Philtobo Grand Championship, ang anim na kabayong 2 Year Old na maghaharap sa 2019 Philtobo Juvenile Championship at ipinapatok ang Union Bell at makakalaban ang Exponential sa 1st Pick 6.
Tatanggap ng unang premyo na P1.8M ang tatanghaling kampeon, habang P675,000.00 ang tatanggapin ng segunda P375,000.00 sa 3rd place at P150,000.00 ang mapupunta sa 4th place.
Ang 1st WTA na magsisimula sa Race 2 ay nakalalamang ang Aznari laban sa One More One More kasama ang Clan Leader. Sa Race 3 ng 1st Pick 5 magaganap ang 2019 Philracom Grand Sprint Championship pinapaboran ang Son Also Rises at makakalaban ang Smokin Saturday habang ang mga kalaban na ang Lakan at Pinagtipunan ang tatalo.
Tatanggap ng premyo ang tatanghaling kampeon na magwawagi ng P600,000.00 sa 2nd place ay tatanggap ng P225,000.00 at 3rd place na may halaga na P125,000.00 habang P50,000.00 ang mapupunta sa 4th place.
Maghaharap ang 7 kabayo sa 20th Philtobo Grand Championship, ang 2019 Philtobo Juvenile Fillies Championship at nakalalamang ang Our Secret at makakalaban ang Redhead Dancer.
Tatanggap ng P300,000.00 ang tatanghaling kampeon at mag-uuwi ng P112,500.00 ang segunda, ang 3rd place ay may P62,500.00 at P25,000.00 ang 4th place. Labing-apat na kabayo ang maglalaban-laban sa 2019 Eduardo “Duay” Calixto Trophy Race at nakalalamang ang Pretty Meadow at magsisilbing kalabang mahigpit ang Yes I Will.
Maghaharap ang 11 kalahok sa Edong Diokno trophy race at ang 11 pang kalahok sa Philracom-RBHS class 4 at pinapatok ang Du Point Circle sa Race 7. Magaganap din ang 2019 SC Stockfarm, Inc at maglalaban ang Gintong Tubig, Gentleman Jim, I Love Jane at Ack.
Isama sa paratingan ang kalahok na Rockstar Show at couple entry na happy Maggie at Ginuhit ng Tadhana at Shelltex Magic sa 2019 Herma Farms & Stud trophy Race sa Race 10. Maglalaban ang Stella Malone at Certain To Win sa 2019 F.R.Sevilla Industrial & Development Corp. sa Race 11.





Comments