Rumesponde sa aksidente, sapol sa SUV.. Traffic enforcer todas sa pulis
- V. Reyes
- Dec 14, 2019
- 1 min read

Patay ang traffic enforcer na rumesponde sa isang aksidente sa Davao City, makaraang siya naman ang masalpok ng kotse na minamaneho ng nagpakilalang pulis, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Rey Sison, na nabangga ng sports utility vehicle na minamaneho ng pulis na hindi muna pinangalanan.
Base sa imbestigasyon, nakatayo si Sison sa gitna ng bypass road ng Bgy. Maa habang kinakausap nito ang mga sangkot sa nirespondehang aksidente.
Gayunman, nahagip si Sison ng SUV na umano’y matulin ang pagpapatakbo.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang enforcer sa isang van na iniimbestigahan nito. Hindi na nagbigay ng pahayag ang pulis na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.





Comments