top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P10,727 kasya na raw sa 5 miyembro ng pamilya.. Hamon sa mga Gov’t. offc’ls, gumastos lang ng P71/ar

  • V. Reyes
  • Dec 14, 2019
  • 1 min read

Para maging kapani-paniwala, hinamon ng isang kongresista ang mga opisyal ng gobyerno na nagsasabing kaya nang mabuhay ng isang pamilyang may limang miyembro sa halagang P10, 727 kada buwan na gumastos lang ng P71 kada araw.

Ang hamon ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ay kasunod sa pahayag ni Philippine Statistics Authority Assistant (PSA) Secretary Rosalinda Bautista nasa P10,727 ang minimum na halaga na kailangan ng isang pamilya para makabili ng pangunahing pangangailangan nito.

Una na ring sinabi ni Bautista na aabot lang sa P7,528 ang average na badyet para sa pagkain at sasapat na sa limang miyembro ng pamilya.

“Subukan kayang mabuhay ng mga economic managers ng P71/ araw,” diin ni Zarate, kasabay ng apela na mapagtibay na ang House Bill No. 246 na layong gawing P750 ang national minimum wage at ang House Bill No. 247 na nagtutulak na ipako sa P16,000 ang minimum na suweldo para sa mga empleyado ng gobyerno.

“Hirap na hirap na ang mamamayan sa taas ng bilihin, mataas na buwis, at baba ng sahod tapos ilalabas pa ang ganitong pahayag na nakakainsulto sa mamamayan,” dagdag pa nito.

Kinukuwestiyon naman ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite ang pinaghugutan ng PSA na batayan para sa antas ng kahirapan sa bansa.

“Let’s be clear, reducing poverty by simply reducing the amount of the standard of living is not reducing poverty, it’s faking poverty statistics,” dagdag pa ni Gaite.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page