top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Misis pinagsasaksak.. Mister sinilaban ang sarili, nagkulong sa CR, patay

  • Mylene Alfonso
  • Dec 14, 2019
  • 1 min read

Sinaksak muna ang kanyang live-in partner saka sinilaban ang sarili na naging dahilan ng sunog sa isang residential house sa San Andres Bukid, Manila, kahapon ng umaga.

Natagpuang walang buhay sa loob ng comfort room ang suspek na si Roel Camero, habang isinugod sa Ospital ng Maynila ang kanyang kinakasama na si Anina Rose Tejas, sanhi ng dalawang tama ng saksak sa tiyan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, nag-away ang mag-live-in at ilang minuto ang nakalipas ay nakitang lumalabas ng bahay si Tejas at humihingi ng tulong na maisugod sa pagamutan.

Ilang minuto pa ay nagsimula na rin ang sunog kung saan nagkulong pala sa CR ang suspek nang kasagsagan ng sunog at natagpuang walang buhay matapos ma-suffocate.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Manila, alas-10:30 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa bahay ni Camero.

Agad namang rumesponde ang mga bumbero at naapula ang apoy na umabot sa unang alarma at idineklarang fireout alas-11:31 ng umaga.

Nasa kritikal na kondisyon naman ang biktima dahil sa saksak na tinamo sa tiyan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page