Mga magulang nadale rin.. 59 pupils nalason sa Christmas party
- V. Reyes
- Dec 14, 2019
- 1 min read

Tinatayang 59 katao kabilang ang mga elementary students sa Bago City, Negros Occidental ang naospital makaraan umanong kumain ng spaghetti sa Christmas Party, kamakalawa ng umaga.
Ayon sa paunang detalye mula sa Bago City Police, pawang mga mag-aaral sa Grade 1 ng Maao Elementary School ang karamihan sa mga naisugod sa ospital matapos makitaan ng sintomas ng food poisoning.
Nakaranas umano ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo ang mga bata matapos ikonsumo ang spaghetti na handa sa party.
Iniimbestigahan na ng Bago City Health Office ang caterer upang matukoy kung totoong sa inihain nitong spaghetti nakaranas ng food poisoning ang mga estudyante at ilang magulang.
Hindi bababa sa sampung mag-aaral ang patuloy na inoobserbahan sa ospital hanggang kahapon.





Comments