Isko-Pacquiao sa 2022, nangangamoy na!
Matatapos na ang 2019.
Naghihintay na ang 2020.
Ito na ang buwelo sa 2022 elections!
◘◘◘
MASELAN ang presidential elections.
Kailangan ng dalawang taong preparasyon — 2020 at 2021!
◘◘◘
TINAPOS na ni Sen. Manny Pacquiao ang kursong AB Political Science.
Buwelo ito sa presidential elections.
Pero, kapos pa siya sa edad sa 2020 kaya preparasyon ito sa 2028 Presidential Elections!
◘◘◘
MALINAW na maraming panahon si Sen. Pacquiao para sa kanyang ambisyon.
Puwede pa siyang mag-master o kumuha ng isa pang kurso — Bachelor in Public Administration!
◘◘◘
WALANG duda, liyamado si Sen. Pacquiao bilang kandidato sa pagka-VP.
Walang tatalo sa kanya sa naturang posisyon sa 2022 lalo na sa 2028!
◘◘◘
MALINAW na pag-aagawan si Sen. Pacquiao na maging ka-ticket ng sinumang nag-ambisyon na maging pangulo sa 2022.
Ibig sabihin, si Sen. Pacquiao ang pang-VP at “bakante” ang pagka-pangulo!
◘◘◘
MAY sapat na resources o campaign fund si Sen. Pacquiao.
Sa totoo lang, sosobra pa ‘yan sapagkat napakarami niyang “kaibigan” sa loob at labas ng Pilipinas na magkukusang “mag-ambag” ng panggastos sa kampanya!
◘◘◘
POPULAR din sa bansa si Sen. Pacquiao.
Walang kandidato o aspirante sa pagka-VP na may ganyang resources at popularidad!
◘◘◘
ISA na lang ang kulang ni Sen. Pacquiao.
Ito ay ang “reason” o ang kapasidad na makumbinse ang mga botante na may sapat siyang kakayahan na gampanan ang posisyon bilang VP!
◘◘◘
SA aktuwal, higit siyang kuwalipikado o may kakayahan kaysa kay dating VP Noli “Kabayan” de Castro.
Sa lahat ng aspeto ay daig niya ang brodkaster kaya may “precedent” na maaari siyang magwagi nang may malaking agwat ng boto laban sa kahit kaninong karibal!
◘◘◘
KUNG kuwalipikado si Sen. Pacquiao sa kanyang “edad” bilang VP, kailangan maging ka-ticket niya ay taga-Luzon.
Ibig sabihin, malabong maka-partner ni Sen. Pacquiao si Mayor Sara ng Davao!
◘◘◘
SA ngayon, ang pinakaliyamadong presidentiable ay si Mayor Isko ng Maynila.
Sakaling mabuo ang ‘Isko-Pacquiao’ tandem — walang tatalo sa ticket na ito sa 2022!
◘◘◘
NANGANGAHULUGAN ngayong mawawala na ang “Duterte” sa 2022.
At ang nalalabing panahon niya sa Malacañang bago ang 2022 ay mawawalan ng “kamandag”.
Ito ay dahil unti-unting magsisipsip ang mga maka-Duterte sa kampo ni Mayor Isko o ni Sen. Pacquiao.
Ang tanong, kaya bang mapa-‘stop’ ni Quiboloy ang’ Isko-Pacquiao’ tandem?





Comments