Horoscope | Disyembre 14, 2019 (Sabado)

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 14, 2019 (Sabado): Hindi masama na tulungan ang kapwa na umangat sa buhay, pero dapat mo ring pahalagahan ang iyong kinabukasan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Walang basehan ang iyong pag-aalala. Minsan, ang tao ay gumagawa ng sarili niyang multo na naglalaho rin kapag hindi niya pinansin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-21-22-26-30-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Marami ang may maling akala, tulad sa araw na ito, aakalain mong mahihirapan ka sa gusto mong gawin, pero kapag sinimulan mo ay magugulat ka dahil madali lang pala at walang kahirap-hirap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-18-20-24-34-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung ano ang nakikita mo, ‘yun ang reyalidad at ang nasa isip lang ay walang katotohanan. Ito ang gawin mong batayan kung ano ang iyong paniniwalaan upang hindi ka tuluyang maligaw. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-15-16-24-35.
CANCER (June 21-July 22) - Mahina ang loob mo ngayon. Pansamantala mong itigil ang pagsasagawa ng iyong mga plano. Huwag kang magkunwaring malakas ang iyong loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-28-33-36-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tinatakot mo ang iyong sarili at kapag tinakot ka pa ng kapwa mo ay wala nang magandang mangyayari sa buhay mo. Labanan mo ang takot at gaganda ang iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-17-28-30-31-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagpipilit ang mga negatibong pananaw sa isip mo na paniwalaan mo. Kumilos ka ayon sa orihinal mong plano at huwag mong babaguhin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-20-28-31-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humingi ka ng opinyon sa proyektong gusto mong gawin. Sa ganitong paraan, makabubuo ka ng magandang paraan at hindi ka mahihirapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-11-16-20-24-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iwasan mong magalit nang hindi maulit ang nagalit ka at hindi mo naiwasang saktan ang sarili mong kalooban. Higit kailanman, ngayon mo habaan ang iyong pang-unawa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-17-20-25-26-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang mga negatibong pananaw na ipinaririnig sa iyo. Ituring mong ingay lang ang mga ito sa sanga ng halaman na walang mga kabuluhan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-26-30-34-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pikit-mata mong gawin ang mga gusto mo dahil ang matang nakadilat ay kung anu-ano ang nakikita na sagabal lang sa mabilis na pagpapaunlad ng buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto; 16-18-20-25-34-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dagdagan mo ang tiwala mo sa iyong sarili dahil makikitang pinanghihinaan ka ng loob. Hindi ito dapat magpatuloy dahil mawawala ang magandang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-22-25-31-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawak mo na ang susi ng iyong tagumpay. Gamitin mo ito at buksan ang bagong mundo na para sa iyo kung saan aani ka ng paghanga at pagkilala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-22-37-42-46.




Comments