top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Gin Kings kontra Northport sa best-of-five semifinals na

  • A. Servinio
  • Dec 14, 2019
  • 2 min read

Matapos magkaisa at makuha ang ginto sa matagumpay na 30th Southeast Asian Games, balik sa kanilang mga koponan ang mga bituin ng Gilas Pilipinas sa pagsisimula ng semifinals ng 2019-2020 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Bubuksan ang aksiyon sa sagupaan sa seryeng best-of-five ng Barangay 4 Ginebra San Miguel at North Port simula 6:30 ng gabi.

Magkakampi noong simula ng linggo, ngayon ay babantayan ang bakbakan sa ilalim nina Japhet Aguilar at Greg Slaughter kontra kay Christian Standhardinger.

Titingnan din kung mapapatuloy nina LA Tenorio at Stanley Pringle ang kanilang husay noong SEA Games, lalo na si Pringle na makakaharap ang kanyang dating koponan.

Siyempre, hindi rin mawawala sa eksena ang mga import na sina Justin Brownlee ng Gin Kings at Michael Qualls ng Batang Pier.

Alam na ng lahat ang kalidad ni Brownlee subalit, hindi matatabi ang husay na ipinapakita ni Qualls sa una niyang sabak sa PBA.

Kalawang din ang magiging pinakamalaking kalaban ng parehong koponan. Huling naglaro ang Gin Kings noong Nobyembre 24 kung saan tinanggalan nila ng trono ang defending champion San Miguel Beer, 100-97, habang noong Nobyembre 27 ang huli ng Batang Pier kung saan kinailangan nila ang tatlong overtime para gulatin ang numero unong koponan ng NLEX, 126-123.

Kahit mas mataas ang kartada ng Gin Kings noong elimination round, tinalo sila ng Batang Pier sa huli nilang laro, 98-96, noong Nob. 17 upang makuha ang ika-walo at huling upuan sa quarterfinals.

Ilan sa mga nagpasikat noong araw na iyon ay sina Qualls na may 30 puntos at 13 rebounds Sean Anthony na 18 at Standhardinger na may 17 puntos.

Ang kabilang serye sa semifinals ay sa pagitan ng TNT Ka Tropa at Meralco Bolts. Nakatakda ito laruin bukas ng 6:30 ng gabi muli sa Araneta Coliseum.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page