top of page

Dapat alam mo ‘to! X‘mas gifts na hindi dapat iregalo dahil malas ang hatid

  • Justine Daguno
  • Dec 14, 2019
  • 2 min read

Nakapamili na ba kayo ng mga panregalo ngayong Pasko, mga ka-BULGAR? Well, kung nagse-set pa lang kayo ng plano para makapamili sa tiangge, bazaar at iba pang pamilihan, make sure na ihanda na ninyo ang inyong listahan.

Pero, aware ba kayo kung ano ang mga regalong dapat at hindi dapat ibigay sa tao, lalo na kung siya ay espesyal sa iyo? Tulad ng ibang bagay, ang pagreregalo ay may kaakibat ding mga pamahiin.

Kuru-kuro man o may pinagbasehan, narito ang ilang gabay sa pagbibigay ng regalo:

1. PANYO. Ayon sa sabi-sabi ng mga matatanda, isa raw ito sa mga bagay na hindi dapat inireregalo, lalo na kung ito ay para sa iyong partner o iba pang mahal sa buhay dahil ito raw ay iyong paiiyakin. Kumbaga, ikaw na nagregalo ng panyo sa kanya ang magiging dahilan ng kanyang kalungkutan at ang panyo na ibinigay mo ang gagamitin niyang pamahid ng kanyang luha.

2. STUFFED TOYS. Kung magbibigay ng ‘something soft’ o balak mong magbigay ng stuffed toys, sobrang oks ‘yan dahil susuwertehin daw ang sinumang makatatanggap ng stuffed toys ngayong Pasko. Bukod pa rito, magkakaroon din daw siya ng peace of mind.

3. GUNTING O SET NG KUTSILYO. Ang mga matatalas na bagay daw tulad ng gunting o set ng kutsilyo ay hindi magandang ipanregalo dahil ito ay sumisimbolo sa mga pagsubok o dahilan ng pagtatapos ng mga relasyon dahil puputulin daw nito ang maganda n'yong pagsasama.

Sa kabilang banda, kung ikaw naman ang nakatanggap nito ay bayaran mo ng piso sa taong nagregalo sa iyo upang makontra ang masamang sign ng inyong pagkakaibigan.

4. PET. Suwerte raw ang makatatanggap ng pet tulad ng aso o pusa ngayong Pasko. Pero tandaan, kailangan idaan ang pet sa main door ng bahay at huwag sa ibang pintuan tulad ng gate sa garahe o sa bintana dahil sasabay daw dito ang mga ligaw na espiritu o masamang elemento papasok ng bahay.

5. SAPATOS. Para naman sa mga nagbabalak magregalo ng sapatos, walang problema dahil magiging successful daw sa journey ng buhay ang makatatanggap ng ‘pair of shoes’. Kapag ikaw naman ang nakatanggap ng sapatos, dapat bigyan mo ng piso ang nagbigay sa iyo para suwertehin kayo pareho.

Sabi nila, wala naman daw masama sa magpaniwala sa mga sabi-sabi o pamahiin ng mga matatanda.

Marami raw ang umasenso dahil sa mga pinaniniwalaang ganito.

Maniwala ka man sa mga ito o hindi, tandaan na anuman ang regalo na ibigay mo, basta bukal sa loob mo, super oks na ‘yan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page