2 trike, motor, SUV, trak nagsalpukan.. 6 patay sa karambola
- V. Reyes
- Dec 14, 2019
- 1 min read

Dedbol ang anim katao habang anim na iba pa ang nasugatan sa karambola ng mga sasakyan sa national highway sa Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Biyernes-trese ng umaga.
Batay sa paunang impormasyon ng pulisya, dead-on-the-spot ang anim na biktima nang magsalpukan ang dalawang traysikel, isang motorsiklo, isang SUV at isang pick-up truck, bandang alas-4:00 ng madaling-araw.
Ayon sa isang saksi, tila nagkakarera ang SUV at pick-up truck nang mahagip nila ang ilang mga sasakyan.
Sinabi naman ni Bogz Jamorabon, city disaster action officer, kabilang sa mga nasawi ay isang lalaki, isang babae, sanggol at tatlong bata na edad anim hanggang 10.
Karamihan umano sa mga biktima ay pasahero ng dalawang traysikel na nasangkot sa karambola.
Patuloy nang sinisiyasat ng pulisya kung sinong drayber ang responsable sa malagim na aksidente.





Comments