top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tinapunan ng basura ng ate, hindi galit kundi sign ng love

  • Socrates Magnus
  • Dec 13, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Elma ng Elma_Gaviola@face-book.com

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Nagkayayaan kami ng mga kaibigan ko na maligo sa dagat, tapos nu’ng nasa ilalim na kami ng tubig ay may isang kamay na humawak sa leeg ko, sinakal niya ako, tapos nawala ‘yung pagkakasakal sa akin, pero may ahas naman na sumakal ulit sa akin. Umuwi kami at pagdating namin sa bahay ay nag-away kami ni ate, tinapunan niya ako ng basura niya na mga bulok na balat ng prutas at plastic.

Naghihintay, Elma Gaviola

Sa iyo Elma Gaviola, Masasalamin sa iyong panaginip na iingatan ka ng ate mo, kumbaga, mahal ka niya at ayaw niyang mapahamak ka. Kaya lang, maaaring masabi mo na kung mahal ka niya, bakit inaway at tinapunan ka niya ng basura at mga bulok na balat ng prutas?

Madalas, sa buhay ng mga Pinoy, ang galit ng magulang ay pagmamahal, gayundin ang galit ng mga ate o kuya sa kanyang mga kapatid. Talagang mahirap paniwalaan ang ganitong katotohanan, kaya lang, ayon sa mga sikolohista, ang galit ay pag-ibig.

Mas magandang kumuha ka ng aral sa buhay sa iyong mga panaginip na kapag aalis ka, magpapaalam ka sa ate mo at kapag sasama ka sa mga kaibigan mo ay gayundin, magpaalam ka muna kay ate.

At kung hindi ka payagan, sumunod ka kahit masama ang loob mo dahil ang ate mo ay tulad ng mga magulang mo kaya iniingatan ka niya.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page