top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Para feeling laging first time... Pills na pameke ng virginity, for sale!

Jersey Sanchez
Dec 13, 2019
2 min read

Hanggang ngayon, hati pa rin ang opinyon ng madlang pipol tungkol sa pre-marital sex o ‘yung pakikipagtalik kahit hindi pa kasal. Gayunman, hindi lang dito sa Pilipinas pinagtatalunan ‘yan dahil sa India, kailangang virgin ang babae bago ito magpakasal dahil kung hindi, katakut-takot na parusa ang haharapin nito.

At dahil dito, may nag-imbento ng pills na kayang pekein ang virginity para maiwasan ang ipapataw na parusa. Ano ito? Hmmm…

Naging kontrobersiyal ang isang shopping website sa India matapos kumalat na nagbebenta ito ng virginity pills na nakatutulong sa mga babae na pekein ang virginity sa kanilang honeymoon.

Tinawag itong “i-virgin”, isang capsule na naglalaman ng “blood powder” na diumano’y gumagaya sa dugo ng tao. Kailangan itong ipasok ng user sa kanyang ari ilang oras bago ang intercourse.

Ayon sa nakaimbento, ang “high quality blood” ay natutunaw at walang masamang epekto sa kalusugan ng gumagamit.

Samantala, sa ilang rehiyon sa India, mayroong virginity check at maituturing na life or death situation sa mga kaanak ng groom kung saan tinitingnan ng mga ito ang bed sheets ng bagong kasal sa wedding night.

Kapag hindi pumasa ang bride sa nasabing test, kailangang magbayad ng pamilya nito o kailangang parusahan tulad ng pagpapalakad sa nagbabagang kahoy o pag-i-stay sa tubig nang walang nakukuhang hangin.

Maraming nabahala sa nakasanayang ito sa India dahil hindi umano virginity ang sukatan ng kahalagahan ng babae kaya naimbento ang ganitong produkto.

‘Kaloka! Hindi lang pala basta pamemeke ng virginity ang layunin ng pills na ito kundi para maisalba rin sa nasabing parusa ang bride na hindi na virgin.

Hindi man natin alam kung hanggang ngayon ay nangyayari pa rin ito, pahalagahan natin ang lahat ng tao, anuman ang kanilang kasarian at sitwasyon. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page