Kontra krimen.. Panggabing pulis, damihan

Hindi katanggap-tanggap ang insidente ng pagdukot sa isang babaeng Chinese national sa Paseo de Roxas sa Makati noong Lunes ng gabi, Disyembre 9.
Ito ang iginiit ni Police Brigadier General Reczon ‘Rex’ Acabado, hepe ng Supervisory Office on Security and Investigation Agencies (SOSIA) ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng nasabing pagdukot na nakuhanan ng video at nag-viral sa social media kung saan kita ang pagdating ng van at sapilitang isinakay ang isang babae.
Kasabay nito, umapela si Acabado sa lahat ng nasa PNP na magkaisa.
Malaki aniya ang pangangailangan ng pagpapalakas ng police visibility lalo na sa gabi.
Matapos magbitiw sa puwesto si dating PNP Chief Oscar Albayalde, wala pa ring napipili si Pangulong Rodrigo Duterte para pumalit dito.
Hamon ng pangulo sa PNP, bigyan siya ng ‘better deal’ ng PNP at isa sa magiging decising factor nito sa pagpili ng susunod na PNP chief ay ang kakayahan nitong pumatay ng drug lord.
Bilang reaksiyon naman dito, sinabi ni Acabado na ang masasama ay dapat makuha kung ano ang nararapat sa kanya.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac sa mga ptensiyal na puwedeng pumalit kay Albayalde, si Acabado ang nagpakita umano ng kakayahan na maipatupad ang misyong nais ng pangulo. Hindi aniya ito natatakot o nai-intimidate sa mga banta.
Inilarawan pa ni Banac ang liderato ni Acabado bilang balanseng disciplinarian at hindi nagdadalawang-isip na parusahan ang mga pasaway na PNP personnel.
Maging si dating PNP Chief, Gen. Roberto ‘Bobby’ Lastimoso, sinabi na hindi ito magdadalawang-isip na iendorso si Acabado bilang susunod na hepe ng Pambansang Pulisya dahil sa pagiging competent nito, may integridad at tapat.





Comments