top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

12,000 kilos ng frozen meat, nakumpiska

Maeng Santos
Dec 13, 2019
1 min read

Mahigit 12,000 kilos ng frozen meat products ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang raid sa isang storage house sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas, humingi sa kanila ng tulong ang Enforcement Team ng National Meat Inspection Service (NMIS) ng Department of Agriculture matapos makatanggap ng report mula sa kanilang confidential informant hinggil sa pamamahagi at storage ng iligal na slaughtered animals sa Bgy. San Rafael Vil lage na inaalok para ibenta sa publiko.

Alas-9:30 ng gabi nang salakayin ng pinagsamang mga tauhan ng NMIS sa pangunguna ni Dr. Isidro Callangan, Navotas Police Special Reaction Unit (SRU), PCP-4 at NPD sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Brig. Gen. Rolando Ylagan ang lugar sa Bgy. San Rafael Village na nagresulta sa pagkakumpiska sa P1,054 boxes ng frozen meat products.

Ani Col. Balasabas, ang sari-saring parts at karne ng Peking ducks ay kabilang sa mga laman ng mga kahon na tumitimbang ng 12,648 kilos na hindi umano dumaan sa wastong slaughterhouse procedure at kawalan ng necessary permits at inspection certificate na malinaw na isang paglabag sa Meat Inspection Code of the Philippines.

Ang mga nakumpiskang frozen meat products, ayon kay Dr. Callangan ay dadalhin sa NMIS-National Capital Region para sa proper disposition.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page