top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

TV ng hotel, huli sa aktong kinukuha, 17-anyos tiklo

  • Maeng Santos
  • Dec 12, 2019
  • 1 min read

Huli sa akto ang 17-anyos na binatilyo na kinukuha ang flat screen television sa loob ng isa sa mga kuwarto ng Victoria Court sa North EDSA, Caloocan City.

Kinilala ang suspek sa alyas Jon-Jon, na dinala sa Local City Social Welfare Department, ng mga tauhan ng Police Community Precinct 1 para sa proper disposition.

Sa nakarating na ulat kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, alas-4:00 ng hapon nang pasukin ng binatilyo sa pamamagitan ng pagsira sa bintana ng Room 54 ng Victoria Court sa Bgy. 138, Bagong Barrio.

Kinalas ng suspek ang 32-inch na TV na nagkakahalagang P12,390 subalit, natawag ang atensiyon ni Sergo Aga, duty manager, ang ginawa nitong ingay na naging dahilan upang tignan nito ang kuwarto, kasama ang roomboy na si Floro Basa kung saan naaktuhan ang binatilyo sa loob na kinukuha ang television.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page