P-Digong, nasindak ang Maynilad at Manila Water, mga kadikit na negosyante, next!
- Pabs Hernandez III
- Dec 12, 2019
- 2 min read
P-DUTERTE, NAGPAKITA NG TAPANG SA MGA ABUSADONG KAPITALISTA—Matapos pagbantaan ni P-Duterte na pagsasasampalin, kakasuhan, ikukulong at ite-takeover pa ang Manila Water at Maynilad at naigisa pa sa Kongreso ay inihayag ng mga representante ng Ayala (Manila Water) at Manny Pangilinan-Salim-Consunji (Maynilad) na hindi na raw nila sisingilin ang P10. 8 bilyon na kanilang napanalunan sa kaso sa Permanent Court of Arbitration (PCA) sa Singapore laban sa gobyerno na may kaugnayan daw sa pagkalugi ng kanilang negosyo.
Dahil d’yan, humanga ang publiko sa ipinakitang tapang ni P-Duterte laban sa mga kapitalista, palakpakan naman d’yan!
◘◘◘
KAYA RIN BANG MAGPAKITA NG TAPANG NI P-DUTERTE SA MGA KAPITALISTANG ‘DIKIT’ SA KANYA? — May mga kapitalistang dikit din sa Duterte administration at alam ng publiko kung sinu-sino ang mga ‘yan na nakakakopo ngayon ng mga malalaking proyekto sa pamahalaan.
Kaya ang tanong, kung ang mga kapitalistang pro-Duterte ay gumawa rin ng ‘pananamantala’ sa mamamayan, magawa rin kaya ng pangulo na pakitaan ng ‘tapang’ ang mga ito? Abangan!
◘◘◘
SI PANELO ANG NAGSABING KAKASUHAN SINA FVR AT EX-P-GMA, HINDI SI P-DUTERTE —Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kapag napatunayan daw na sangkot sina ex-Pres. Fidel V. Ramos at ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo sa maanomalyang kasunduang pinasok sa Manila Water at Maynilad kahit daw kaalyado ni P-Duterte ang dalawang dating pangulo ay kabilang daw sila sa kakasuhan ng gobyerno.
Ang problema, si Panelo ang nagbanta kina ex-P-FVR at ex-P-GMA, at hindi si P-Duterte, boom!
◘◘◘
BAD ANG MARTIAL LAW KAYA AYAW NA NI P-DUTERTE NA MAY BATAS-MILITAR SA MINDANAO—Hindi na ipina-extend ni P-Duterte ang Martial Law sa Mindanao.
Siguro, napagtanto ni P-Duterte na hindi ito maganda sa ekonomiya kaya ayaw na niyang ipairal ulit ang Batas-Militar sa Mindanao, period!




Comments